Disaster Risk Reduction Training Manual (1st Edition) Module 3: Pagbubuo ng Contingency Plan

Ilang Tala Hinggil sa Modyul

Ang modyul na ito ay pagsasalin ng mga napag-aralan mula sa naunang modyul ng Disaster Preparedness. Kaiba sa naunang modyul ng Disaster Preparedness, and modyul na ito ay gabay sa aktwal na pagbubuo ng isang contingency plan. Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga kalahok ay may mabubuo nang contingency plan.

Ang serye ng mga pagsasanay ay naglalayong makabuo ng isang contingency plan na angkop sa pangangailangan at kakayahan ng mga taga-komunidad. Ang contingency plan ay isang planong ang layunin ay siguraduhin ang kahandaan at kakayahan ng komunidad upang maagap na makapagsagawa ng mga hakbang-pangkaligtasan bilang paghahanda sa panganib, at makapag-organisa at magsagawa ng epektibo at napapanahong tulong sa panahon ng disaster.

Mula sa mga kaalaman tungkol sa mga konsepto at mga terminolohiya ng DRR, at sa kasanayang kakailanganin upang mailarawan ang aktwal
na mga hazard at epekto nito sa komunidad, bubuuin sa ikatlong modyul ang mga aksyong kailangang gawin at ipatupad upang maging handa ang komunidad sa disaster. Ang mga workshop sa modyul ng contingency planning ay lalahukan ng mga susing tao sa komunidad kabilang ang mga miyembro ng BDCC, ilang guro, mga kinatawan ng iba’t ibang sektor gaya ng kabataan, kababaihan, senior citizen, at iba pang mga may kasanayan o kakayahang makatulong sa pagbuo ng CP. Sa mga workshop dito sa modyul ng contingency planning pagsasama-samahin at paguugnayugnayin ang mga resulta ng mga workshop sa dalawang naunang modyul. Babalik-aralan at patototohanan ang mga naunang resulta ng mga workshop at magbubuo ng mga aktwal na hakbang at alituntunin upang maisalin ang plano sa aktwal na pagpapapababa ng risk ng komunidad. Ito ang aktwal na paglalapat ng mga plano sa kalagayan ng komunidad na may kaakibat na aktwal na aksyon at pagpapakilos sa BDCC.

Tandaan natin na ang mga susunod na sesyon ay iba sa nakagawian sa naunang mga modyul. Ang mga sumusunod na session plan ay magsisilbing gabay lamang sa pagdaraos nang magkakasunod na pulong ng mga susing tao ng komunidad upang makalap at masinop nila ang lahat na impormasyon na kailangan upang mabuo ang contingency plan. Ang nakasaad na tagal ng sesyon ay pagtantya lamang sa tagal ng idaraos ng mga pulong. Mas mainam kung ang lahat ng kalahok sa pulong ay makapaglalaan ng sapat na panahon upang matapos ang mga naitakdang gawain para sa araw na iyon nang walang pagmamadali.

 

View, read, and download the third module here.