Ilang Tala Hinggil sa Modyul

Sa pagtatapos ng tatlong (3) modyul at sa pagkabuo ng contingency plan (CP) ng komunidad, ang mga sumusunod ang karaniwang tanong ng lahat:

Pagkatapos ng modyul: “Pagbubuo ng Contingency Plan,” dapat may nabuo at nakasulat nang contingency plan ang komunidad. Hindi nga lamang ito matatawag na isa nang mahusay na contingency plan na maaasahan sa panahon ng disaster sapagkat hindi pa ito dumaan sa pagsubok. Ang pagsusubok sa ilang bahagi ng contingency plan ay ginagawa sa pamamagitan ng isang community drill. At sa pagsasagawa lamang ng isang community drill malalaman kung epektibo ang nabuong contingency plan para sa kanilang komunidad.

Ang modyul na ito tungkol sa “Gabay sa Pagsasagawa ng isang Community drill” ang huling bahagi ng serye ng mga modyul ng Disaster Preparedness at Contingency Planning na ibinabahagi sa komunidad upang makabuo sila ng isang epektibong contingency plan. Dahil dito, may mga bahagi ng contingency plan na tinitiyak na makasanayan ng komunidad upang maging epektibo ang pagsasagawa nito sa aktwal na sitwasyon. Kabilang sa mga bahagi ng contingency plan na dapat kinakabisa ng komunidad ay ang early warning system (EWS) at plano ng paglikas o evacuation plan.

Ang modyul na ito ang makatutulong sa gagawing pagsubok ng komunidad sa kanilang CP sa pamamagitan ng isang community drill.

Ang kondukta sa modyul na ito ay hindi katulad sa dalawang naunang modyul. May pagkakahawig ito sa ikatlong modyul na workshop ang pangunahing pamamaraan ng pagsasanay. Dito, ang kondukta ng drill ang mismong porma ng training at ang pagkatuto ay sinusukat mula sa resulta ng pagtatasa sa isinagawang community drill. Ang pagiging matagumpay ng isang community drill ay nakasalalay hindi lamang sa mga nag-oorganisa nito at sa mga miyembro ng BDCC kundi maging sa buong komunidad. Sa aktwal, malaki ang papel na gagampanan ng buong komunidad sa ikatatagumpay ng aktibidad na ito. Sa kabuuan, ang pagsuporta o di-pagsuporta ng sinuman sa nabanggit (nag-oorganisa ng drill, BDCC, at buong komunidad) ay mangangahulugan ng epektibo o di-epektibong pagsasagawa ng community drill.

Mahalagang tandaan natin na ang aktwal na community drill ay idinaraos sa loob lamang ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) oras. Bagamat maikli lang ang pagsasagawa ng aktwal na drill, ang paghahanda naman upang maidaos ito ay hakbang-hakbang na gagawin sa loob ng halos dalawang buwan. Nahahati sa tatlong bahagi ang buong modyul na ito:
1. Paghahanda para sa community drill;
2. Pagsubok sa kakayahang tumugon sa disaster; at
3. Mga gawain pagkatapos ng community drill.

 

View, read, and download the fourth module here.

Ilang Tala Hinggil sa Modyul

Ang modyul na ito ay pagsasalin ng mga napag-aralan mula sa naunang modyul ng Disaster Preparedness. Kaiba sa naunang modyul ng Disaster Preparedness, and modyul na ito ay gabay sa aktwal na pagbubuo ng isang contingency plan. Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga kalahok ay may mabubuo nang contingency plan.

Ang serye ng mga pagsasanay ay naglalayong makabuo ng isang contingency plan na angkop sa pangangailangan at kakayahan ng mga taga-komunidad. Ang contingency plan ay isang planong ang layunin ay siguraduhin ang kahandaan at kakayahan ng komunidad upang maagap na makapagsagawa ng mga hakbang-pangkaligtasan bilang paghahanda sa panganib, at makapag-organisa at magsagawa ng epektibo at napapanahong tulong sa panahon ng disaster.

Mula sa mga kaalaman tungkol sa mga konsepto at mga terminolohiya ng DRR, at sa kasanayang kakailanganin upang mailarawan ang aktwal
na mga hazard at epekto nito sa komunidad, bubuuin sa ikatlong modyul ang mga aksyong kailangang gawin at ipatupad upang maging handa ang komunidad sa disaster. Ang mga workshop sa modyul ng contingency planning ay lalahukan ng mga susing tao sa komunidad kabilang ang mga miyembro ng BDCC, ilang guro, mga kinatawan ng iba’t ibang sektor gaya ng kabataan, kababaihan, senior citizen, at iba pang mga may kasanayan o kakayahang makatulong sa pagbuo ng CP. Sa mga workshop dito sa modyul ng contingency planning pagsasama-samahin at paguugnayugnayin ang mga resulta ng mga workshop sa dalawang naunang modyul. Babalik-aralan at patototohanan ang mga naunang resulta ng mga workshop at magbubuo ng mga aktwal na hakbang at alituntunin upang maisalin ang plano sa aktwal na pagpapapababa ng risk ng komunidad. Ito ang aktwal na paglalapat ng mga plano sa kalagayan ng komunidad na may kaakibat na aktwal na aksyon at pagpapakilos sa BDCC.

Tandaan natin na ang mga susunod na sesyon ay iba sa nakagawian sa naunang mga modyul. Ang mga sumusunod na session plan ay magsisilbing gabay lamang sa pagdaraos nang magkakasunod na pulong ng mga susing tao ng komunidad upang makalap at masinop nila ang lahat na impormasyon na kailangan upang mabuo ang contingency plan. Ang nakasaad na tagal ng sesyon ay pagtantya lamang sa tagal ng idaraos ng mga pulong. Mas mainam kung ang lahat ng kalahok sa pulong ay makapaglalaan ng sapat na panahon upang matapos ang mga naitakdang gawain para sa araw na iyon nang walang pagmamadali.

 

View, read, and download the third module here.

Ilang Tala Hinggil sa Modyul

Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sesyon na tutulong sa pagpapahusay ng kasanayan ng mga kalahok upang maging handa sa mga panganib na nakaamba sa kanilang mga komunidad. Sa modyul na ito, ang mga konsepto at mga pamamaraan tungkol sa gawaing pagbawas ng risk ay gagamitin ng mga kalahok upang maisagawa, sa pamamagitan pangunahin ng mga workshop at mga pagsasanay, ang mga kasanayan sa paghahanda tulad ng community risk assessment, early warning system, evacuation planning, contingency planning, at iba pa. Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga kalahok ay magkakaroon na ng ilang mahahalagang bahagi ng isang barangay contingency plan (kung sila ay mga taga-barangay) o municipal contingency plan (kung ang mga kalahok sa pagsasanay ay mga taga-Municipal Disaster Coordinating Council).

Ang mga kasanayan na matututunan sa modyul na ito ay tutulong upang maging mataas ang antas ng kahandaan ng mga kalahok, at makatugon sila nang mas mahusay sa mga pangangailangan sa panahon ng disaster. Inaasahan ding batay sa mga pagsasanay at workshop, lalong makikilalang mga kalahok ang mga disaster na maaaring mangyari sa kanilang komunidad at mabibigyan sila ng batayan upang makapagdesisyon kung anong uri ng tugon ang kaya nilang isagawa sa oras ng disaster.

Bago mag-umpisa ang training sa modyul na ito, ipaliliwanag ng tagapagpadaloy na sa loob ng tatlong araw na training ay magkakaroon ng isang earthquake drill. Hindi sasabihin kung kailan ito gagawin. Kailangang maghanda ang mga kalahok at ituturo ng tagapagpadaloy kung ano ang mga dapat nilang gawin kapag kunwaring lumilindol na.

 

View, read, and download the second module here.

Pambungad

Sa gawaing disaster risk reduction (DRR) o pagbabawas ng risk ng disaster sa mga komunidad, nilalayong mapababa ang bulnerabilidad ng mga mamamayan at mapataas ang kanilang kapasidad sa paghahanda at pagharap sa mga negatibong epekto na dulot ng mga panganib o hazard.

Kadalasan, ang mga lugar na paulit-ulit na tinatamaan ng mga hazard ay mga mahihirap na komunidad. Hirap ang mga komunidad na ito na bumangon pagkatapos masalanta ng sunud-sunod na disaster na kumikitil ng buhay at sumasalanta ng kabuhayan.

Maraming bayan at munisipyo sa Pilipinas ang hindi ligtas sa paulitulit na pananalanta ng mga disaster tulad ng bagyo, baha, landslide at lindol. Ito ay dahil sa ang lokasyon ng bansang Pilipinas ay nasa tabi ng malawak na Pacific Ocean kung saan namumuo ang napakaraming bagyo. Dagdag pa rito, ang ating bansa ay nakapaloob sa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan matatagpuan ang mga aktibong bulkan at mga earthquake fault na nagdudulot nang malalakas na lindol at tsunami. Dahil sa bulnerableng kalagayan, malaki ang pangangailangang maihanda ang mga mamamayan sa mga pagkakataong nangyayari ang mga hazard upang mabawasan ang mga pinsalang dulot ng mga ito. Malaki ang pangangailangang mapalakas ang mga kapasidad ng mga mamamayan upang mabawasan ang mga risk ng disaster at mapabilis ang kanilang pagbangon mula sa pagkakasalanta.

 

Ano ang Proyektong ACCORD?

Ang Proyektong ACCORD o “Strengthening Assets and Capacities of Communities and Local Governments for Resilience to Disasters” ay naglalayong palakasin ang mga kapasidad ng mga komunidad na bawasan ang risk ng mga disaster. Ipinatutupad ang proyektong ito sa 16 na barangay at 20 paaralan sa mga munisipyo ng Dingalan sa Aurora, Calabanga sa Camarines Sur at St. Bernard sa Southern Leyte.  Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning.

Ang proyekto ay sinusuportahan ng European Commission’s Humanitarian Aid Department (ECHO) at ng Corporate Network for Disaster Response
(CNDR).

Ang tatlong munisipyong sakop ng proyekto ay matatagpuan sa eastern seaboard ng bansa na madalas daanan ng mga bagyong nagmumula sa Pacific. Ang mga lugar na ito ay hindi lang minsang nakaranas ng mga matitinding landslide, baha, bagyo at lindol. At katulad ng karamihan ng mga bayan sa Pilipinas, ang mga bayang nabanggit ay mahihirap at kulang sa kakayahang magsagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang mga risk at makabangon pagkatapos masalanta ng disaster.

Sa layunin ng ACCORD PROJECT na mapalakas ang kakayahan ng mga mamamayan sa mga bayang ito, kinilalang isang natatanging paraan ang gawaing community training. Batay sa karanasan ng proyekto, napatunayang ang community training ay isa sa mga epektibong pamamaraan upang palakasin ang kapasidad ng mga komunidad na madalas masalanta ng mga disaster.

Ang pagbibigay ng tamang kaalaman sa pamamagitan ng wastong pagsasagawa ng mga training sa mga barangay at munisipyo, partikular sa mga miyembro ng barangay disaster coordinating council (BDCC) at municipal disaster coordinating council (MDCC), mga guro at estudyante sa mga paaralan, at sa karamihan ng miyembro ng komunidad, ay naging daan upang sila ay ma-organisa bilang disaster-resilient communities o mga komunidad na may kakayahang umangkop sa kalagayan at mabilis na makabawi mula sa pinsalang dulot ng disaster.

Hindi naging madali para sa proyekto ang pagbibigay ng mga training sa mga barangay. Nariyan ang kahirapan sa pagsalin ng mga salitang Inggles sa salitang nauunawaan ng mga taga-komunidad, ang kahirapan sa pagpapaintindi sa ilang terminong siyentipiko (scientific term), ang kahirapan sa pagkakaroon ng libreng panahon ng mga kalahok, at marami pang ibang problema kaugnay sa maayos na pagdaraos ng training.

Nguni’t dahil sa ang community-based training ang ubod ng ACCORD PROJECT, naging malikhain ang proyekto sa paggampan ng gawaing ito. Isang natukoy na paraan upang matugunan ang mga suliranin ay ang  Community-Based Disaster Risk Management pagkakaroon ng mga Community Facilitator (CF). Ang mga CF ay binubuo ng mga miyembro at lider ng komunidad na may interes, kakayahan, at panahon upang dumalo sa iba’t ibang mga training tungkol sa pagbabawas ng risk ng disaster o disaster risk reduction (DRR). Sila ang naging katuwang ng proyekto sa iba’t ibang gawain kabilang na ang pagmomobilisa ng mga kasamahan sa komunidad para sa drill o para sa pagpapatupad ng small-scale mitigation project. Partikular sa pagsasagawa ng community training, ang mga CF ang tumutulong sa pag-aangkop ng mga kurso sa sitwasyon ng komunidad. Kinalaunan ay tumulong na rin sila sa pagdaos ng mga training o kaya’y kasama na bilang miyembro ng training team. Mula sa karanasan nila, nakukuha ang ilang mga mahahalagang termino at mga halimbawang nauunawaan ng lahat ng taga-barangay. Sila ang naging ugnay at katuwang ng mga staff ng ACCORD PROJECT upang mapahusay at mapadali ang pagsasagawa ng mga training sa barangay.

Naging bahagi ng ACCORD PROJECT ang pagkakaroon ng serye ng mga capacity-building activity para sa mga BDCC, MDCC at CF. Nakita rin ang malaking pangangailangan para sa pagkakaroon ng mga instructional at reference material upang lalong mapadali para sa mga mga piling miyembro ng mga DCC, at mga CF ang pagbibigay ng training. Kaugnay nito, naglabas ang ACCORD PROJECT ng mga instructional material katulad ng mga flipchart, photo set at mga poster na ibinahagi sa mga komunidad na sakop nito. Sa pamamagitan ng mga instructional material na ito, mas madaling maipaaabot ang mahahalagang mensahe sa mga estudyante, mamamayan at mga opisyal ng barangay at munisipyo.

Maganda ang iniluwal na resulta ng labinlimang buwang proyektong ito. Sa mga munisipyo ng St. Bernard at Calabanga, naging aktibo ang lokal na pamahalaan hindi lamang sa pagbuo ng kanilang contingency plan kundi pati na rin sa pagkokonsidera sa DRR bilang bahagi ng kanilang taunang pagpaplano. Naging aktibo rin ang karamihan ng barangay sa tatlong munisipyo sa pagbuo ng kani-kanilang mga contingency plan at paglahok sa ilang mga small-scale mitigation project tulad ng pagtatanim ng mga bakawan at mga punong-kahoy, at pagtatayo ng mga gabion.

Sa mga pakikipanayam sa mga miyembro ng komunidad, nalaman ng proyekto na marami ang may pananaw na naging mapagpasya (crucial) ang pagkatuto nila mula sa serye ng mga training. Noon, inisip nilang  Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning pananakot lamang ang itinuturo sa mga training at walang inihahaing mga posibleng hakbang upang makaangkop ang komunidad kung kaya’t magiging kanya-kanya lamang ang kanilang pagtugon sa mga hazard. Sa pagsasara ng proyekto, dahil na rin sa paglahok nila sa mga training, naging positibo na ang kanilang pananaw dahil ang mga kaalamang naibahagi sa kanila ay nakapawi ng takot at nakatulong upang malaman nila ang mga hakbang na dapat nilang gawin bilang paghahanda sa pagdating ng mga mapaminsalang disaster — hindi lamang bilang mga indibidwal kundi bilang isang komunidad.

 

Bakit may Training Manual?

Sadyang bahagi ng layunin ng ACCORD PROJECT ang pagpapahusay ng kakayahan ng mga BDCC, MDCC at CF sa pagbibigay ng training upang maihanda sila sa kanilang tungkulin. Inaasahang ipagpapatuloy ng mga BDCC, MDCC at CF ang pagbibigay ng training at pagbabahagi ng mga mahahalagang kaalaman sa mga kababayan nila at maging sa mga katabing barangay. Sa ganitong paraan matitiyak na maipagpapatuloy nila ang sinimulan ng proyekto.

Ito ang naging layunin sa paglalabas ng Training Manual na ito: ang makatulong na mapadali at mapagaan ang pagdaraos ng mga gawaing  DRRtraining bilang isang paraan sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga bulnerableng komunidad upang matugunan ang kanilang sariling kalagayan at mga pangangailangan.

Tinutugunan nito ang pangangailangan para sa isang gabay sa pagbibigay ng community-based DRR training kung saan ang isa sa mahahalagang layunin ay ang makabuo ng contingency plan. Gabay ito upang makabuo ng disenyo para sa balak na isagawang training. Kumpleto ang mga modyul at mga session plan na isinulat ayon sa lohikal na pagkakasunud-sunod nito. Ito ay isang simpleng gabay na madaling sundan at maaaring ilapat sa mga pangangailangan ng ibang mga barangay at mga organisasyong DRR, kung kinakailangan.

Ang mga nilalamang modyul at session plan ay dumaan sa mahabang proseso ng pananaliksik at pagkukumpara sa mga modyul ng ibang organisasyon, pagbubuo ng sariling modyul ayon sa pangangailangan  Community-Based Disaster Risk Management ng proyekto, pilot testing, at pagpipirmi ng nilalaman. Sa pagsasagawa ng sunud-sunod na training sa lahat ng barangay na sakop ng ACCORD PROJECT, idinadaan ang bawat isa sa pagtatasa upang mapulot ang mga aral mula sa mga ito. Ang mga aral na ito ay ginamit upang lalong pagyamanin ang mga modyul na nilalaman ng manual na ito.

Ang manual ay isang sanggunian (reference material) para sa lahat ng nagbibigay ng DRR training. Madali itong gamitin bilang sanggunian ng mga nagbibigay ng DRR training dahil simple ang pagsalin at pagbuo ng mga kahulugan ng mga terminong syentipiko na ginamit dito. May paglalarawan din sa mga konsepto at salitang mahirap maintindihan ng karaniwang tao. Ang mga pakahulugan ng mga salita at mga halimbawa ay batay sa iba’t ibang libro, pananaliksik, at mga kasulatang mapagkakatiwalaan at wasto tulad ng mga inilimbag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA), Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), at iba pa. Binabanggit din sa bawat session plan ang mga pinagsangguniang materyal upang mabalikan at mapag-aralang mabuti ng sinumang nais pang palawigin ang kanyang kaalaman tungkol sa mga paksang tinatalakay rito.

Isa rin itong sourcebook o pagmumulan ng mga datos, mga halimbawa, ehersisyo, at pamamaraan na pawang mahalaga upang madaling makapagsagawa ng mga DRR training.

Sa kabuuan, isa itong dokumento ng karanasan ng proyektong ACCORD at ng mga mamamayang gumampan sa kanilang mga tungkulin upang mapalakas ang kanilang kakayahang harapin ang mga epekto ng disaster.

Saklolo!
Ang manual na ito ay hindi lamang para sa mga CF kundi para sa lahat ng nagsasagawa ng proyektong DRR sa mga komunidad. Ang manual na ito ay may mga katangiang madaling unawain, simple ang pagkasulat at pangkaraniwan ang mga halimbawang ginamit.

Bagamat para sa lahat ang manual na ito, pangunahing nakalaan pa rin ito para sa mga CF, BDCC at MDCC na magpapatuloy ng gawaing training sa kanilang lugar, mayroon mang proyektong ACCORD o wala. Pagsasanay sa Disaster Preparedness at Contingency Planning Sa pagtatapos ng proyekto, ang manual ang magsisilbing takbuhan ng mga miyembro ng BDCC, MDCC, at mga CF sa pagbibigay ng mga training sa komunidad. Ang manual na ito ay makatutulong sa mga problemang maaaring kaharapin sa pagdaraos ng training sa komunidad.

 

View, read, and download the first module here.

Partners for Resilience

Disasters have strongly increased in both frequency and impact, with climate change as one of the main contributors to more extreme, frequent, and unpredictable weather. Degradation and loss of ecosystems intensify natural hazards. Combined with the high vulnerability of communities in the Global South, this leads to increased disaster risk. Despite these many challenges, there are solutions to create a sustainable future. When provided the necessary resources, communities mobilize to adapt to and prepare for increasing risks. In Partners for Resilience, CARE works to reduce disaster risk by increasing community resilience – enabling people to bend and not break in the face of adversity.
The poorest people in the most vulnerable countries suffer disproportionately from disasters and climate change impacts. Disasters wipe out
hard-won reductions in poverty, and communities are caught in a vicious circle where poverty creates vulnerability, and disasters and climate change impacts increase poverty. To ease this situation, the Partners for Resilience program reduces the impact of hazards on vulnerable communities in the South.

Partners for Resilience (PfR) is an alliance of the Netherlands Red Cross, CARE Nederland, Cordaid, the Red Cross Red Crescent Climate Centre and Wetlands International. The name originates in the fundamental belief of its five members in the central role of resilience as the way to deal effectively with disasters. PfR uses an integrated approach, called Integrated Risk Management (IRM), to mitigate disaster risk and enhance livelihoods, particularly by addressing climate change and ecosystem management and restoration. PfR is supported by the Dutch Ministry of Foreign Affairs.

Integrated Risk Management

CARE defines Integrated Risk Management (IRM) as the systematic process of reducing disaster risks through anticipative, absorptive, adaptive, and transformative actions, taking into account the effects of climate change and the role of ecosystems. It addresses the drivers of risk, the capacities and assets of communities and individuals, and their enabling environment.

This Publication

In this publication, CARE aims to highlight how the implementation of an Integrated Risk Management approach leads to social transformation and more resilient communities that are well prepared to deal with a diversity of shocks and challenges. The protagonists are the people themselves, sharing how their lives and the lives of members of their communities have improved. These stories are expanded upon with examples of CARE’s work within PfR in each country.

 

View, read, and download the full document here.

Excerpt: Introduction

Climate change is increasing the risk of extreme events and disasters.1 While disaster risk reduction (DRR) offers an important opportunity to adapt to current climate variability, in order to be successful, DRR efforts must also take into account changing climate‐related risks in the medium to long term. Many national climate change adaptation plans consider the need to plan over various timescales and acknowledge the essential role of local communities2 in addressing these changing risks. The Minimum Standards for climate‐smart disaster risk reduction were created to serve as an essential bridge between national climate policy and local capacities for DRR. The standards are not idealized solutions, but rather practical approaches to implementing climate‐smart DRR activities in a way that is achievable by many communities with relatively limited external support.

The Minimum Standards are presented in two tables: The first table outlines standards meant to guide local leaders, oftentimes selected by their community (e.g. Red Cross local disaster preparedness volunteers), to inform and facilitate resilience building across the wider community. The second table focuses on the role of national and provincial civil society organizations (CSOs) in providing supplemental guidance for improving the flow of information between various types of scientific ‘knowledge centres’ and vulnerable communities, to enable implementation of climate‐smart DRR. For local actors and their counterparts in CSOs, the Minimum Standards are intended as a practical tool, allowing them to integrate changing climate risks into their efforts to support communities reduce risk to extreme events and disasters. When the Minimum Standards are met, local DRR actions can be considered to be climate-smart and contribute to climate change adaptation. This lends importance to the Minimum Standards for national actors as well, who may use the standards to guide integration of community‐level action on DRR into national adaptation and climate risk management strategies. National strategies that consider these standards will be able to go to scale, knowing that they are realistic and achievable. Overall, these standards provide assurance that DRR goes beyond business as usual and truly addresses changing climate‐related risks.

The minimum standards are based on ample local experience and consultation, including lessons learned during the first years of the Partners for Resilience program, the largest program of its kind focusing on local‐level climate‐smart DRR. The Minimum Standards are a living document that should continue to be
discussed, tested, revised and validated through local‐level activities around the world.

 

View and download the full document here.

A couple of years ago, the Philippines made headlines around the world as Typhoon Haiyan, the strongest storm recorded, smashed ashore and tore through the Visayas. Within 24 hours, Haiyan battered and wiped out almost everything along its path, leaving behind its wake millions of people homeless, and thousands lifeless. The full document details how communities were slowly starting to reap the sowed resilience two years after the typhoon.

While the scale and strength of Haiyan is unprecedented even in a disaster-prone country as the Philippines, disasters like this are becoming more frequent, destructive, and unpredictable as a result of climate change and ecosystem degradation. Disaster upon disaster, vulnerable communities are pushed deeper into poverty. They are ones who face the vicious cycle of destruction and reconstruction. Their vulnerabilities are magnified, and their developments stalled. It is therefore not enough for communities to recover from Haiyan’s destruction. They must be able to withstand, adapt to, and recover from disasters. It is imperative that they start rebuilding towards resilience.

In the immediate aftermath of Haiyan, ACCORD in partnership with CARE, drew opportunities from lessons brought by Haiyan to cultivate resilience. From the onset, seeds of resilience were sown where possible, both in the form of material assistance and building local capacities, and embedded in integrated response, recovery, rehabilitation, and risk reduction programmes for Haiyan-affected areas.

Two years on, much remains to be done, but vulnerable communities are beginning to reap the fruits of resilience.

 

View, read, and download the full document here.

This document is a compilation of various inputs to the Sunset Review of Republic Act 10121 or the Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010.

The Partners for Resilience (PfR) Alliance has been working since 2011 to reduce the impact of natural hazards on vulnerable people in nine countries globally by the Netherlands Red Cross, CARE Nederland, Cordaid, Red Cross Red Crescent Climate Centre and Wetlands International, and our many local partners.

In the Philippines, PfR is being implemented by the Philippine Red Cross, Assistance Cooperation for Community Resilience and Development (ACCORD), Afri-Aqua DEvelopment Coalition (AADC), Cordillera Disaster Response and Development Services (CorDisRDS), and Corporate Network for Disaster Response (CNDR) in at least 44 barangays across 8 municipalities and 2 cities; in 4 provinces; in 3 regions. Technical support is also being provided by the IIRR, Wetlands International, and the Red Cross Red Crescent Climate Centre.

The PfR approach, methodology, and tools are being applied by implementing partners in other programming initiatives including relief and recovery projects in Yolanda-affected areas and disaster risk reduction initiatives in other high-risk areas in the country.

We are one with the national government and with all our partner communities and LGUs in advancing the national and local DRRM strategy. We are prepared to assist the governing agencies in developing the most appropriate strategy for the country. Together with all those who work for national and community-level resilience, including the community members themselves, we aim that this review will establish the long-term strategy for an integrated DRR in the Philippines.

 

Successes of RA 10121

It helped strengthen the country’s DRRM system and provide a national DRRM framework and institutionalize the national DRRM plan

It has guided the country’s paradigm shift from being reactive towards proactive approaches and strategies in addressing disaster and climate risks

It had spurred local government units to better prepare for emergencies and steered them towards a course that equitably gives importance to response, rehabilitation and recovery, preparedness, and mitigation and prevention.

Read more about key propositions, specific recommendations, and suggested texts in the complete document.

View and download the full document here.